Ito! mas mura
nagkakahalaga ng isang daang (100) peso
ang isang damit na may brand, tulad ng BNY, ADIDAS, NIKE,
DKNY
at iba pa. Ito ay sinasabi ring patok
o nauuso ngayon, ngunit hindi lahat ay nakakabili ng mga produktong gawa sa mga nabanggit na brand.
Bakit nga ba? Simple lamang ang sagot, bukod sa ito ay MAHAL, marami namang mga tindahan sa tabi tabi
na maaaring makabili ka ng damit sa halagang, 85-95 pesos, sa katunayan ay mayroon pang mga damit na mabibili sa
halagang 65 pesos, huwag nang banggitin ang sa ukay-ukay. Ayon nga sa kuro-kuro sa aming klase, hindi
lahat ng produkto ng kulturang popular ay na-eenjoy ng masa, dahilan na rin sa iba't ibang estado natin sa buhay,
tulad ko na nanggaling sa isang pamilya na masasabing nasa "average" lamang ang estado sa buhay, kung
kaya't paminsan minsan ay nahuhuli rin sa uso, lalo na kung ang mga nauuso ay ang mamahal ng presyo.
Haay!!!! buhay nga naman.
Sa araw na ito ay isinama ko ang aking malapit na kaibigan upang bumili ng damit na susuotin
kinabukasan, upang makamura ay nakisabay kaming makidumog sa isang department store dito sa Marbel
na talaga namang lapitin ng tao. Sa halagang dalawang daan ay makakabili ka na ng dalawang damit o kung
minsan, kapag sinuswerte kang makakita ng damit na nasa 50-65 pesos lamang ang halaga ngunit pasado
naman ito sa iyong panlasa, aba! eh bakit ka pa bibili ng branded, sigurado, ang dalawang daan mo ay hindi
pa magkasya.
Sa ganitong paraan, napagnilay-nilay ko na ang ganitong uri ng pagpili ng mga mumurahing produkto
kaysa sa mga mahal (branded) ay isang "wais na pagpili" ayon sa mentalidad ng may mababa o may
average na uri ng estado sa buhay. Kung ating lilimiin, ang produktong branded ay talagang matibay bagamat
ito ay may kamahalan, ngunit tumatagal ito ng taon lalo na kung hindi pabaya ang gumagamit nito, kumpara
sa mumurahin (maliban sa ukay-ukay) na madaling masira dahil sa kanipisan ng tela nito. Ngunit ano bang
How to Play Baccarat - Wilbur Schenectady
TumugonBurahinBetting 바카라 사이트 쿠폰 | 카지노게임사이트 on Baccarat involves two parts. First, you place two bets on a single card. The second bet is on the favorite card, and this time, the favorite
Best Slots Sites to Play For Real Money - Dr.MD
TumugonBurahinSlot Machine 광주광역 출장마사지 Games · 1. Red Dog Casino 정읍 출장안마 – Best Casino Overall · 2. 인천광역 출장샵 Royal Ace Casino – 통영 출장안마 Best 영주 출장마사지 For Live Casino · 3. Lucky Clover Casino – Best For