Sabado, Mayo 19, 2012

May 19, 2012

                          Tambay

               Habang ako ay tumatambay sa isang bench na nakaharap sa field ng

 paaralan namin at naghihintay ng oras, natanaw ko ang ang isang babae at 

lalaking sabay na naglalakad...hmm, sweet sila...ang nawika ko sa aking sarili,

 malamang may relasyon, dugtong ko pa. Tila naman rumaragasang tubig ang 

pagdaloy ng mga alaala ng aking nakaraan. Upang hindi mabagot ay sumulat ako ng isang tula ng pag-ibig. 

Narito ang aking nabuong tula sa araw na ito.
                      
      Nasaan ka pag-ibig?
      ni Manilyn Orquia 

Aking pag-ibig, nasaan ka nga ba?
Sa aking pagmulat at pagpikit nitong mata,
Anyo mo ang naglalaro sa aking gunita
Laging binabalik ang sa ati'y nakaraan na.
Wari'y nadudurog itong pusong baliw
Hanap ko'y ligaya sa piling mo giliw
Sa iyong mga titig ako'y naaaliw
Bakit hinayaang tayo'y lipulin ng agiw?

Oh pag-ibig, pagbalik mo'y laging inaasam
Ang paglisan mo'y sadya kong dinamdam
Nais magbalik ka nang lungkot ay maparam
Ngunit kung paano, iyan ay hindi ko alam.
May 18, 2012
                         Plants vs. zombie
        Isa rin sa impuwensiya ng

teknolohiya sa ating pang-araw-araw

na pamumuhay ay ang mga computer

games. kung ang mga kalalakihan ay

nahihilig sa dota, karamihan sa aming

mga kababaihan ay nahihilig sa plants

vs zombie. Ayon pa nga sa mga

napapanood ko sa Rated K ay may

mga designer ng mga party cake na ang consepto ay plants vs. zombie.

       Ang computer games bilang kuturang popular ay kadalasan talagang na-eenjoy ng mga kabataan sa

henerasyon ng teknolohiya. Bilang isa sa tumatangkilik sa ganitong uri ng "pauso" ay talaga namang

nakakaaliw ito at kumukuha ng maraming oras ng araw mo. Minsan pa nga ay nakakaligtaan ko na ang oras,

tulad ngayon, kung hindi pa nalowbat ang laptop ko ay hindi pa ako titigil sa paglalaro.

        Kayo ba? ano ang kinahihiligan niyo?

May 17, 2012
                          May banat ka ba?

       Isa sa mga "pauso" ngayon ay yaong tinatawag na pick-up lines o banat. 

Nakakakilig, nakakatuwa, at nakakaaliw. Ang mga ito ang kadalasang nararamdaman 

natin (ayon na rin sa mga napagtanungan ko) sa tuwing may magbibigay sa atin ng 

banat. Kulturang popular na nga ba ito ngayon?
 
       Sa text, sa facebook, sa classroom, sa bahay, kapitbahay, kahit saan 

na yatang panig ng lugar ako dumako, usong-uso ang banatan tulad ng:  
  • Alarm clock ka ba? ginising mo kasi ang natutulog  kong puso.
  • Aanhin pa ang gravity? kung lagi akong nahuhulog sa'yo.
  • kung gagawa ako ng alak pangalan mo ang gagamitin ko. kasi ang lakas mo sumipa kaso sa puso ang tama.
  • Surgeon ka ba? kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.
  • "I forgot your name can i call you mine?"
  • "i forgot my number can i have yours?"
  • Minamalat na naman ang puso ko..  paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..
  • Ikaw ba may-ari ng Crayola?? ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..
  • Uy papicture tayo!!para ma-develop tayo!!
  • Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita?? hinde, para lagi kita mamimiss..    
     
       Ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng pick-up lines na sadya namang nakakakilig,tulad ngayon, tila napakaganda ng araw

 ko, paggising ko kasi isang "inspiring" 

na pick-up lines na ang nabasa ko sa cellphone ko, galing lang naman sa isang 

espesyal na tao.

         "Alam mo ba na Maraming View in this world??
         Merong Fair-View ,

         Top-View,

         Side-View and Back-View.

         Alam mo ba kung anong mas magandang view?



          "I Love View"

          Kaya para sa kapwa ko nakikibahagi sa "mundo ng pick-up lines", 

nakakadagdag din minsan ng sigla sa araw mo ang mga nauusong banat ngayon.
May 16, 2012
                                Baka nagcomment na :-)

         Excited, parang baliw na nananaginip ng gising, ilan lamang yan sa

 mga dahilan kung bakit madalas akong magbukas ng nauuso ngayon, 

ang "FACEBOOK".  Kung ating oobserbahan, karamihan sa estudyante

 ngayon ay hindi na notbuk ang nais sulatan, sa laptop na lamang 

e-ta-type, hindi na pagkokopya sa sulat sa pisara ang nais kopyahin, kundi ang nasa USB na, at ang 

pinakapopular, hindi na aklat sa silid aklatan ang binubuklat kundi ang aklat sa www.facebook.com. Ang 

bagong aklat ng estudyante. Bakit nga ba sadyang pinaglalaanan ito ng oras?
 
          Mula sa aking karanasan ay talaga namang nakakaaliw ang paggamit ng nauusong facebook, 

sapagkat naroon ang mga comment, messages ng mga taong kilala at hindi mo kilala, at kapag may ibinahagi

 ka sa "wall" mo, at mayroon o maraming nag "like" nito, ayyy naku! kaysarap sa pakiramdam, yung iba nga 

hindi nila maiiwasang mag "thanks for the like". 

          Upload dito, post doon, tag dito, like doon, ilan lamang yan sa mga madalas kong gawin sa facebook

 ko, tila ba lahat ng anggulo ng mukha mo ay nais mong makita ng buong mundo? Kahit pa nga kabi-kabila

 ang mga babala at paalaa sa paggamit ng facebook, huwag nang banggitin pa ang kabi-kabila ring krimen 

na "nauuso" sa ngayon, ay hayun pa rin at hindi makaligtaan ang pagbukas ng "aklat sa kumpyuter", bahala 

nang makaligtaan ang assignment huwag lang ang comment.

        Para naman sa aking obserbasyon lamang, ang facebook ay isa rin sigurong paraan ng mga taong may 

kahungkagan pagdating sa atensiyon ng ibang tao, dahil sa facebook, marami ang nakikipagkumunika at 

maraming nakikipag "friend" sayo sa simpleng pagpindot ng buton na "add as friend" lamang. Dahil dito ay 

maaari nilang maramdaman ang tinatawag na "sense of belongingness" na hindi nila maranasan sa mundong 

kanilang ginagalawan. Sa mundo ng facebook, kahit sabihing virtual lamang ito ay nakakahanap din ng 

positibong maidudulot ito sa katauhan ng isang indibidwal. Ang obserbasyon na ito ay maaaring itukoy sa 

ibang anggulo at motibo ng paggamit ng facebook.

May 15, 2012
                                   Ito! mas mura

       Mahilig ka ba sa branded? Sa aking pagkakaalam ay hindi 

nagkakahalaga ng isang daang (100)  peso 

ang isang damit na may brand, tulad ng BNY, ADIDAS, NIKE, 

DKNY 

at iba pa. Ito ay sinasabi ring patok

 o nauuso ngayon, ngunit hindi lahat ay nakakabili ng mga produktong gawa sa mga nabanggit na brand. 

Bakit nga ba? Simple lamang ang sagot, bukod sa ito ay MAHAL, marami namang mga tindahan sa tabi tabi

 na maaaring makabili ka ng damit sa halagang, 85-95 pesos, sa katunayan ay mayroon pang mga damit na mabibili sa 

halagang 65 pesos, huwag nang banggitin ang sa ukay-ukay. Ayon nga sa kuro-kuro sa aming klase, hindi 

lahat ng produkto ng kulturang popular ay na-eenjoy ng masa, dahilan na rin sa iba't ibang estado natin sa buhay, 

tulad ko na nanggaling sa isang pamilya na masasabing nasa "average" lamang ang estado sa buhay, kung 

kaya't paminsan minsan ay nahuhuli rin sa uso, lalo na kung ang mga nauuso ay ang mamahal ng presyo. 

Haay!!!! buhay nga naman.  

       Sa araw na ito ay isinama ko ang aking malapit na kaibigan upang bumili ng damit na susuotin 

kinabukasan, upang makamura ay nakisabay kaming makidumog sa isang department store dito sa Marbel 

na talaga namang lapitin ng tao. Sa halagang dalawang daan ay makakabili ka na ng dalawang damit o kung 

minsan, kapag sinuswerte kang makakita ng damit na nasa 50-65 pesos lamang ang halaga ngunit pasado 

naman ito sa iyong panlasa, aba! eh bakit ka pa bibili ng branded, sigurado, ang dalawang daan mo ay hindi

 pa magkasya.

        Sa ganitong paraan, napagnilay-nilay ko na ang ganitong uri ng pagpili ng mga mumurahing produkto 

kaysa sa mga mahal (branded) ay isang "wais na pagpili" ayon sa mentalidad ng may mababa o may 

average na uri ng estado sa buhay. Kung ating lilimiin, ang produktong branded ay talagang matibay bagamat

 ito ay may kamahalan, ngunit tumatagal ito ng taon lalo na kung hindi pabaya ang gumagamit nito, kumpara 

sa mumurahin (maliban sa ukay-ukay) na madaling masira dahil sa kanipisan ng tela nito. Ngunit ano bang 

magagawa ng mga taong mahihirap? Kundi ang piliin kung ano ang mas mura.
May 14, 2012
         Karugtong ng bituka?

          Sa kasalukuyang panahon ay marami nang 

nahihilig sa text, chat, tweet at iba pang mga 

nauusong uri ng kumunikasyon. Mayroon ding 

nahuhumaling sa mga computer games, ngunit hindi 

yan ang tatalakayin ko ngayon.  Nais kong ibahagi 

sa inyo ang aking naging karanasan sa araw na ito.

         Iba nga talaga ang hatak ng teknolohiya sa ating pang-araw araw na pamumuhay, apektado ang ating

 "lifestyle" kung wala ang presensiya nito. Tulad na lamang ngayong araw, na sa subrang pagmamadali ay 

nakalimutan kong ipasok sa aking bag ang "cellphone" ko, ngunit kahit pa sa kaalamang ako ay mahuhuli sa 

klase ay binalikan ko pa rin ito. Bakit nga ba hindi? ei tila karugtong na ito ng aking bituka, pag wala ito, 

parang hindi buo ang araw ko. Wala akong mababasang text o matatanggap na call kung hahayaan ko itong 

maiwan, at dahil sa sanay akong naroon ang cellphone ko sa aking bulsa o di kaya sa aking bag, 

makakaapekto sa akin ang pagkawala ng presensiya nito kapag hindi ko mahawakan o matingnan lamang 

kahit pa sabihing sa maikling oras lang ito mawawala sa sistema ko. 

            Ganito ang epekto sa akin ng nauusong teknolohiya, hindi ko matanto ko ito ay pagkaadik na o 

hindi, basta para sa akin, ang cellphone ko ay bituka ko. Ganoon? nakakatawa man o parang "werdo" 

ngunit ang pakiramdam na ito ay tila nakaukit na sa pagkatao ko at sa uri ng Lifestyle na mayroon ako sa 

kasalukuyan.
          Kayo ba? gaano  kaapektado?

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Mga halimbawa ng pick-up lines

a. pakicheck mo nga yong relo mo, baka kasi oras na para maging tayo :-)
b. kung garbage ang laman ng garbage truck, bakit tubig ang laman ng fire truck? Tulad ng puso ko, akin naman ito pero ikaw ang laman nito.
c. alam mo ba ang salitang seryoso? malalaman mo rin yan pag naging tayo..:-)
d. wag kang kiligin sa lovelife ng iba, mangyayari lang yan sayo pag naging akin ka ;-0
e. hindi ka naman pera, pero bakit naghihirap ako pag wala ka?
f. Ibuburul kaya Nila ako Pag Nalaman Nilaang  PATAY NA PATAY  Ako Sau. (Jun Mitra)
g. MMDA ka ba? ....Bakit?......kasi balita ko Mahal Mo Daw Ako...