Sabado, Mayo 19, 2012

May 17, 2012
                          May banat ka ba?

       Isa sa mga "pauso" ngayon ay yaong tinatawag na pick-up lines o banat. 

Nakakakilig, nakakatuwa, at nakakaaliw. Ang mga ito ang kadalasang nararamdaman 

natin (ayon na rin sa mga napagtanungan ko) sa tuwing may magbibigay sa atin ng 

banat. Kulturang popular na nga ba ito ngayon?
 
       Sa text, sa facebook, sa classroom, sa bahay, kapitbahay, kahit saan 

na yatang panig ng lugar ako dumako, usong-uso ang banatan tulad ng:  
  • Alarm clock ka ba? ginising mo kasi ang natutulog  kong puso.
  • Aanhin pa ang gravity? kung lagi akong nahuhulog sa'yo.
  • kung gagawa ako ng alak pangalan mo ang gagamitin ko. kasi ang lakas mo sumipa kaso sa puso ang tama.
  • Surgeon ka ba? kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.
  • "I forgot your name can i call you mine?"
  • "i forgot my number can i have yours?"
  • Minamalat na naman ang puso ko..  paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo..
  • Ikaw ba may-ari ng Crayola?? ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko..
  • Uy papicture tayo!!para ma-develop tayo!!
  • Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita?? hinde, para lagi kita mamimiss..    
     
       Ilan lamang iyan sa mga halimbawa ng pick-up lines na sadya namang nakakakilig,tulad ngayon, tila napakaganda ng araw

 ko, paggising ko kasi isang "inspiring" 

na pick-up lines na ang nabasa ko sa cellphone ko, galing lang naman sa isang 

espesyal na tao.

         "Alam mo ba na Maraming View in this world??
         Merong Fair-View ,

         Top-View,

         Side-View and Back-View.

         Alam mo ba kung anong mas magandang view?



          "I Love View"

          Kaya para sa kapwa ko nakikibahagi sa "mundo ng pick-up lines", 

nakakadagdag din minsan ng sigla sa araw mo ang mga nauusong banat ngayon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento