Sabado, Mayo 19, 2012

May 16, 2012
                                Baka nagcomment na :-)

         Excited, parang baliw na nananaginip ng gising, ilan lamang yan sa

 mga dahilan kung bakit madalas akong magbukas ng nauuso ngayon, 

ang "FACEBOOK".  Kung ating oobserbahan, karamihan sa estudyante

 ngayon ay hindi na notbuk ang nais sulatan, sa laptop na lamang 

e-ta-type, hindi na pagkokopya sa sulat sa pisara ang nais kopyahin, kundi ang nasa USB na, at ang 

pinakapopular, hindi na aklat sa silid aklatan ang binubuklat kundi ang aklat sa www.facebook.com. Ang 

bagong aklat ng estudyante. Bakit nga ba sadyang pinaglalaanan ito ng oras?
 
          Mula sa aking karanasan ay talaga namang nakakaaliw ang paggamit ng nauusong facebook, 

sapagkat naroon ang mga comment, messages ng mga taong kilala at hindi mo kilala, at kapag may ibinahagi

 ka sa "wall" mo, at mayroon o maraming nag "like" nito, ayyy naku! kaysarap sa pakiramdam, yung iba nga 

hindi nila maiiwasang mag "thanks for the like". 

          Upload dito, post doon, tag dito, like doon, ilan lamang yan sa mga madalas kong gawin sa facebook

 ko, tila ba lahat ng anggulo ng mukha mo ay nais mong makita ng buong mundo? Kahit pa nga kabi-kabila

 ang mga babala at paalaa sa paggamit ng facebook, huwag nang banggitin pa ang kabi-kabila ring krimen 

na "nauuso" sa ngayon, ay hayun pa rin at hindi makaligtaan ang pagbukas ng "aklat sa kumpyuter", bahala 

nang makaligtaan ang assignment huwag lang ang comment.

        Para naman sa aking obserbasyon lamang, ang facebook ay isa rin sigurong paraan ng mga taong may 

kahungkagan pagdating sa atensiyon ng ibang tao, dahil sa facebook, marami ang nakikipagkumunika at 

maraming nakikipag "friend" sayo sa simpleng pagpindot ng buton na "add as friend" lamang. Dahil dito ay 

maaari nilang maramdaman ang tinatawag na "sense of belongingness" na hindi nila maranasan sa mundong 

kanilang ginagalawan. Sa mundo ng facebook, kahit sabihing virtual lamang ito ay nakakahanap din ng 

positibong maidudulot ito sa katauhan ng isang indibidwal. Ang obserbasyon na ito ay maaaring itukoy sa 

ibang anggulo at motibo ng paggamit ng facebook.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento