Sabado, Mayo 19, 2012

May 19, 2012

                          Tambay

               Habang ako ay tumatambay sa isang bench na nakaharap sa field ng

 paaralan namin at naghihintay ng oras, natanaw ko ang ang isang babae at 

lalaking sabay na naglalakad...hmm, sweet sila...ang nawika ko sa aking sarili,

 malamang may relasyon, dugtong ko pa. Tila naman rumaragasang tubig ang 

pagdaloy ng mga alaala ng aking nakaraan. Upang hindi mabagot ay sumulat ako ng isang tula ng pag-ibig. 

Narito ang aking nabuong tula sa araw na ito.
                      
      Nasaan ka pag-ibig?
      ni Manilyn Orquia 

Aking pag-ibig, nasaan ka nga ba?
Sa aking pagmulat at pagpikit nitong mata,
Anyo mo ang naglalaro sa aking gunita
Laging binabalik ang sa ati'y nakaraan na.
Wari'y nadudurog itong pusong baliw
Hanap ko'y ligaya sa piling mo giliw
Sa iyong mga titig ako'y naaaliw
Bakit hinayaang tayo'y lipulin ng agiw?

Oh pag-ibig, pagbalik mo'y laging inaasam
Ang paglisan mo'y sadya kong dinamdam
Nais magbalik ka nang lungkot ay maparam
Ngunit kung paano, iyan ay hindi ko alam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento