Sabado, Mayo 19, 2012

May 14, 2012
         Karugtong ng bituka?

          Sa kasalukuyang panahon ay marami nang 

nahihilig sa text, chat, tweet at iba pang mga 

nauusong uri ng kumunikasyon. Mayroon ding 

nahuhumaling sa mga computer games, ngunit hindi 

yan ang tatalakayin ko ngayon.  Nais kong ibahagi 

sa inyo ang aking naging karanasan sa araw na ito.

         Iba nga talaga ang hatak ng teknolohiya sa ating pang-araw araw na pamumuhay, apektado ang ating

 "lifestyle" kung wala ang presensiya nito. Tulad na lamang ngayong araw, na sa subrang pagmamadali ay 

nakalimutan kong ipasok sa aking bag ang "cellphone" ko, ngunit kahit pa sa kaalamang ako ay mahuhuli sa 

klase ay binalikan ko pa rin ito. Bakit nga ba hindi? ei tila karugtong na ito ng aking bituka, pag wala ito, 

parang hindi buo ang araw ko. Wala akong mababasang text o matatanggap na call kung hahayaan ko itong 

maiwan, at dahil sa sanay akong naroon ang cellphone ko sa aking bulsa o di kaya sa aking bag, 

makakaapekto sa akin ang pagkawala ng presensiya nito kapag hindi ko mahawakan o matingnan lamang 

kahit pa sabihing sa maikling oras lang ito mawawala sa sistema ko. 

            Ganito ang epekto sa akin ng nauusong teknolohiya, hindi ko matanto ko ito ay pagkaadik na o 

hindi, basta para sa akin, ang cellphone ko ay bituka ko. Ganoon? nakakatawa man o parang "werdo" 

ngunit ang pakiramdam na ito ay tila nakaukit na sa pagkatao ko at sa uri ng Lifestyle na mayroon ako sa 

kasalukuyan.
          Kayo ba? gaano  kaapektado?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento